Your Birth becomes Me.

Happy Mother’s Day sa lahat ng dakilang Ina sa buong mundo.

…sa pinakamatatag

…sa mapagparaya

…sa matiisin

….sa masipag

…sa mapagmahal

…sa taong ibibigay at gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya. HAPPY MOTHERS DAY PO.

Walang iisang salita ang sapat para ilarawan ang isang INA. Walang anumang katumbas ang pagmamahal na kayang ibigay sa kanyang pamilya. Minsan nga kulang pa para itira para sa kanya. Kahit pagod, puyat, may dinaramdam, malungkot, meron pa ding masarap na pagkain sa hapag kainan, may malinis na bahay na pagpapahingahan, malinis na damit na susuotin, tubig na iinumin.. Hindi nagsasawang kayo ay pagsilbihan, pero kelangan ba tuwing Mothers Day lang sila pasalamatan?

Lahat ng hirap at sakit ng pagiging INA naranasan ko noong tumigil ako sa pagt-trabaho.  Una kang babangon huli kang matutulog, hindi maubos ubos ang gagawin sa buong maghapon. Kahit paulit ulit mong ginagawa araw araw, bakit Hindi ba masanay sanay ang katawan mo sa gawaing bahay. Paglubog ng araw, busog na ang lahat, mahimbing na natutulog. Ikaw? Nagliligpit at naglilinis pa din.  Sa 3 beses mong nagluto sa buong maghapon, isang beses kang nakakakain, madalas malamig na ulam at kanin pa.

Hindi totoo na ang mga nanay ay SUPER HEROS. Kasi napapagod din sila, nasasaktan, nahihirpan at higit sa lahat naghahanap din sila ng magmamahal at magaalaga sa kanila.

Sana maiisip ng lahat na hindi job description ng nanay ang pagsilbihan kayo. Ginagawa nya ang lahat lahat para sa pamilya kasi selfless sya. Kasi mahal nya kayo. Kasi gusto nya maayos kayo lahat. Kasi gagawin nya ang lahat maging masaya lang kayo.

Sana sa mga anak magkaroon kayo ng conscious effort na i-hug ang mga nanay nyo, pasalamatan sila pag tapos ng buong maghapon. Hindi Nyo man naiintindihan ang pinagdadaan nila. Kahit siguro half meant. Aapaw sa tuwa ang puso nila. Bigyan Nyo sila ng inspirasyon na pagsilbihan kayo. Bigyan Nyo sila ng lakas na ipagpatuloy ang ginagawa nila na masaya. Learn to appreciate the extra ordinary things that they do.

Mum, sorry, kasi sa Hindi ko nagawa na I hug Ka and pasalamatan Ka everyday the day ends. Sorry, Hindi ko na appreciate yung mga ginagawa mo sa amin sa araw araw. THANK YOU. I hope its not too late to give thanks to you for what you have done to us. Thank for everyday when we were growing up. Salamat kasi kahit may sarisarili na kaming buhay Hindi pa din nauubos yung love mo sa amin. Salamat kasi handa Ka pa din gawin ang lahat para amin.

I Love You.

Sa mga anak ko at sa asawa ko, pasensya na kayo kung nabigo ko kayo, kasi Hindi ako si wonder woman. Napapagod din ako. Kaya pasensya na kayo kung lagi akong masungit, Kung lagi akong galit, kung lagi akong sumisigaw. Pero Hindi ako titigil pagsilbihan kayo kahit 3 muscles nalang ang Kaya Kong ikilos, mabigay ko lang kung what you deserve for making me the best mum I could possibly be.

To my kids, thank you, for giving me the most prestigious title I could ever have. Because your birth made me become ME.

———————-

Tomas Mitchel L. Bardelas

delivered C-section

July 27, 2012

Juan Diego L. Bardelas

Delivered C-section

May 5, 2014

Advertisements

SPAM MUSUBI & KANI MAKI {cooking}

Going Japanese… Kawaii!!

Like baking, I do not have any formal training in a cold kitchen of a Japanese restaurant.  I barely been in one. I seldom go to a Japanese restaurant, because I can not afford it. Just like any sushi and Maki enthusiast, I love Japanese food. So I learn to make it. I understood why it is so expensive. Its labor intensive and the ingredients are expensive. Japanese food translates to their culture, very patient and very keen to details.

I would like to share to you how it is done, homemade style.

Here are the ingredients:

Japanese, like us Filipinos, rice is a staple, though they cook it differently.

How to make Japanese rice

-Japanese rice, I used Japonica or any short grain rice.

-Sake 

-sugar

-salt

In a bowl: combine sake, sugar and salt. Whisk until sugar and salt are dissolved completely.

Once dissolved, slowly add the sake mixture to the slightly cooled rice while mixing it thoroughly and fanning to cool.

Set aside.

SPAM MUSUBI

  • Spam
  • Tamago (egg roll)
  • Japanese style mayonnaise, I used Kewpie brand
  • Nori
  1. Fry spam. 
  2. Prepare tamago (parang scrambled eggs lang na may konting sugar, water and sake)
  3. Cut nori to strips.

To assemble.

Shape rice into slightly oblong. Since I seldom make Maki din, Hindi pa ako nag i-invest sa gamit. So I use plastic wrap lang. I shape the rice accordingly and wring the plastic wrap tightly para packed yung rice. I works naman without the fancy tools. 


Put a Japanese mayonnaise on top of the rice

Place the tamago on top. The mayonnaise will also serve as glue to keep it intact.

Place the spam on top

Bind the rice, tamago and spam with nori strips.

Kani Maki

  •  Japanese rice
  • Japanese style mayonnaise
  • Kani (crab stick), cut into strips
  • Assortment of different things you like in your Maki. 

  You can put ripe mangoes para California maki or avocado para tex-mex naman. Your preference ng gusto Nyo ilagay.

In this recipe: I used cucumber cut into strips, lettuce and kani. 

To assemble:

Place the shinny side of nori facing the sushi mat. Leaving an inch away from the edge of nori, place japanese rice across the nori.

Put a Japanese mayonnaise along the rice.

Assemble the ingredients 

Roll the mat away from you to wrap the stuffings, pulling it towards you from time to time to tighten the Maki.

Using a sharp knife cut the Maki in half then in 1/4 until to its desired size. 

Serve with soy sauce and wasabi.

Try rolling your own Maki and enjoy a generous serving at home for a price of 6 pieces of Maki from a ccommercial Japanese restaurant.

Share your photos of your very own Maki.

When you can’t afford it, learn how to make it. 🙂

Homeschool vs regular school

Nakakatakot pala yung thought na magpapaaral ka na. Especially if hindi ka prepared sa separation anxiety, financially and sa panibagong sistema na naman na kakaharapin mo sa araw araw. At the same time nakakaexcite din na mag shop for school. Nakakahappy malaman yung approach ng teaching nila, yung sasalubungin ka ng mga teachers with a big smile, very warm and welcoming talaga ang feeling. Pero nababasa ko yung speech bubble nila na ENROLLEE, PERA. Nakaka good vibes lang talaga yung amoy ng classrooms, yung amoy books and papers. It brings back good memories from when you were a kid. 

My husband and I were solid sa decision na gusto namin si Tomas and soon si Diego sa progressive school. Yung wholistic yung approach. Nung malaman namin ang presyo ng tuition fees ng progressive schools, our enthusiasm went down to zero. Nakakapanghina malaman na gagastos ka ng 80K-100K++ sa isang school year.. Kahit maglakad ako simula Apari hanggang Julo hindi ako gagastos ng 100K para sa tuition fee. I value and understand the worth of education, kung tutuusin mura pa nga magaral sa Pilipinas di ba? Kung wala ka naman panggastos bakit kelangan ipilit?

So we reassessed our options how we can give them a good education we can afford. After narrowing down our options we end up with homeschool. I researched, read reviews, watched videos regarding homeschool. SOLD! 

My husband and I talked about it. I discussed to him what got me to the idea of homeschooling. TIP: Importante na align kayo sa decision ng husband/partner. Kasi magiging katuwang mo sya sa pagtuturo and may support ka sa mga activities na gagagwin ninyo ni bagets.

Here are our buying points:

  • Progressive approach. Mai a-apply namin yung wholistic approach yung hindi lang  puro academics pero ma d-develop din ang multiple intelligence.
  • Financially friendly. Mas mura ang tuition fee compare sa regular school. Its cheaper by 70% as tuition fee alone. No additional expenses sa uniform, Baon, school bus, books etc.
  • Safety. It reduce the chances of risk ie, yung travel from school to home, yung na f-forsee na incident of big one and all relative circumstances.
  • Behavioural influences. Iba na ang mundo ngayon, kabi-kabila ang mga ganap sa paligid ligid ng puno ng linga. Mabilis sila maka adopt ng bad words. Yung mga attitude/behaviour na nakikita nila sa ibang bata sa school and environment mahirap i-control. Iba-iba ang pagpapalaki ng bawat family and this translates sa behaviour ng child na isa sa Pwedeng maka influence sa mga bagets natin.
  • A little less stressful. Di ko need mag wake up ng maaga to prepare baon. Less stress din si bagets sa pag gising ng maaga, maligo, magbyahe para hindi ma late sa school.

Syempre meron din’g downside but we also identified how we can turn that around. 

Here are the disadvantages and our work around.

  • Lack of social interaction: Tomas is currently doing Kumon, we decide to continue with the Kumon program, I g-gapang hanggat Kaya. This makes up for the interaction part. What I like about the institution for homeschool na napili namin, we can make an arrangement to join sa mga activities sa regular school and he can even sit in sa class. We can have him join sa P.E. class and sa ibat ibang activities sa school.
  • Parent hat – Teacher Hat: I admit. It will be a challenge for both of us sa pag shift between mum mode and teacher mode vice versa. Kaya simula ngayon nasa conditioning stage na kami if nag start na kami ng homeschool we will strictly follow a time table. We also try to make the house look/feel like a school. Paunti-unti nagdadagdag pagnakaka L-L (luwag luwag)

Sa ngayon 0 expectations pa kami. First time homeschooler and I’m very excited din.

Mahaba ang list namin ng institution na nag o-offer ng homeschool program na accredited ng DepEd. Pero nag shortlist kami and nagustuhan namin and na cover yung hinahanap namin with Homeschool of Asia world Inc., partner with New Era University for their deped accreditation needs.

I can give you the list of institutions na nag o-offer ng homeschool program if you like.  Leave a comment if you want a list.

I will also post on the next blog yung details sa Homeschool of Asia World Inc. Or you can visit their website at: http://www.haws.net.ph

Sana nakutulong ito sa mga nag c-consider i-homeschool yung mga bagets nila. Note lang po that if you consider to homeschool your kids, you need to commit 3-4 hours of your time na tutukan sila sa work nila.

Til next blog sweeties. Good vibes lang. Embrace all the good things that surround you and do not make room for negativity.

Be the healthiest YOU..

Ang pinakamahirap sa lahat bilang isang ina, yung nakikita mo na may sakit ang isa sa mga anak mo, lalo pa’t pareho. Yung nakikita mo na matamlay, na kahit anong higpit ng yakap mo hindi ka nya mayakap pabalik. Na sana sa bawat yakap mo nababawasan ang sakit na nararamdaman nila. Bakas sa lalim ng mata nya ang pagkatamlay. Lalong napakasakit kapag alam mong nahihirapan sya ngunit wala kang magawa. Ubos na ang options mo kung paano pa mapapaginhawa ang pakiramdam nya. Parang dinudurog ang puso mo unti unti.

Last 3 weeks was hell. Tomas my eldest (4) was suffering from upper respiratory tract infection. Week after, Diego youngest (2), had persistent cough, but had clear lungs and diagnosed it was viral (pedia was in conference, a GP had to see him). Few days after I had to bring him back because of high fever and then diagnosed it was bronchitis. Just last week, I had persistent cough sa sobrang ubo ko, minsan parang akala ko sasama na yung lungs ko palabas. char! After hellish medicine administration, were in the mend now.

Nakailang balik ata kami sa clinic ng pedia for a check. Ang daming oras na nasayang sa paghihintay. Maaga na nga kami, pang 10 pa din kami sa pila. Mainit, may mga bata na umiiyak, may mga parents/guardians na alam mo na ang storya ng buhay nila sa lakas ng pagk-kwentuhan. Habang pinipilit mo ang lahat maging ok si bagets despite of the circumstances. Hindi kumportable.

Bakit nga ba karamihan ng bata ay may sakit? Tama nga ba si doc, viral nga ba? All symptoms ng mga bata sa clinic may ubo, sipon, lagnat.

Wag na natin i-dagdag sa kasalanan ng Presidente kung bakit tayo at ang mga anak at mahal natin sa buhay ay may sakit. Lalong lalo na hindi tayo nagkulang sa pagaaruga sa kanila at hindi tayo kelan man naging masamang ina kung bakit sila nagkakasakit.

Mayaman ang mga doktor (Pedriatrians and pulmonologist especially) sa mga buwan ng February, March, June, September at December. Ito yung mga buwan na nagbabago ang temperature and climate sa bansa natin. Ito din yung mga buwan na inaabangan ko ang pag atake ng hika ko. These months are the pollen season. Yung mabilis na dinadala ng hangin yung mga pollen grains from trees, hays, grass kasama na ang bacteria at kung ano ano pang sakit galing sa iba’t ibang lugar. Yung pollen allergies daw ang cause ng ibat bang triggers ng respiratory problems.  (Lakas maka henyo, hahaha). Bilang ma google ako at yung chance na makakapagtanong ka sa eksperto. May I ask ako sa lahat ng questions as possible. I try to make it as sensible and medical related para hindi obvious na sinusulit ko ang consultation fee ni doc, char!

So ito na nga, paano ba natin maiiwasan yang pollen allergies na yan para di magkasakit ang mga bagets ng bonggang bongga. Unfortunately, WALA.. Unless, nasa isang bubble ka and hindi ka nakikishare sa hangin ng iba, uhmm pak!

Pero, may mga pwede naman tayo gawin para maiwasan.

Here are some ways para ma prevent ang causes ng common colds and flu:

  • Get a flu shot/vaccine. Wait, hindi ibig sabihin pag may flu shot ka, hindi ka na magkakasakit ever. Flu shots will only reduce the chances of getting colds and flu and yearly po sya pina i-inject.
  • Wash hands regularly. Mas mura and tubig at sabon kesa gamot.
  •  Take your regular dose of vitamins – hindi naman po kailangan yung mamahalin na vitamins. As long as you have your ascorbic acid and zinc, swak na yun para mapalakas ang  immune system natin. May generic din nun, kaya wag mahihiyang magtanong. #alamsNa. 
  • Hydrate. Tulungan natin yung loob ng katawan natin i-flush out yung toxins sa katawan natin. Lets try to drink as much water as we can. Especially ngayong summer, sukdulan ang init.  Aside sa ma retain natin yung kailangan na fluids ng katawan natin by drinking water ma d-detox din natin yung body natin sa mga kinakain natin sa araw araw.  Wag man tayo umamin, alam natin na madalas hindi healthy.
  • Sanitize. OA man sa paningin ng iba, sa bawat kembot, alcohol or sanitizer agad. Hindi masama yun. Bakit hindi naman sila ang bumibili ng pang alcohol mo, so derms ka lang.  Kasi sa bawat kembot mo din yung nad-daplisan ng kamay mo maaring nahawakan ng taong may colds and flu.
  • Exercise and healthy diet. No comment. Hahaha

O sya, kasing haba na ng diary ni Mara Clara tong post ko. Sana madami tayong natutunan. Pasensya na at wala masyadong pictures. Ano din naman ang pictures na i p-post ko, eh may sakit nga. Di selfie worthy and instagramable ang mga shots pag may sakit.

Uy, dont quote me sa mga info ha. Im not an expert pagdating sa mga medical echos. Yan ay ayon sa mga nababasa ko sa google at sabi ni doc, if my questions kayo PM ko number ni doc. Walang haters kung maka eksena ha. Pagkumikita na ako sa kaka blog ko baka pwede pa, char!!!

Stay healthy and happy. Say I love you to the people you love and mean it, throw lots of hugs and spread love not germs, char!

Til next…

Omelette cups {Cooking} 

Here are the ingredients:

-salt and pepper

I  don’t have exact measurements for the ingredients. I used whatever I have in the fridge. The recipe yields: 12 cups. 

Procedure:

1. Line muffin tins with wanton wrapper.

2. Beat eggs

3. Add all ingredients.

4. Set aside some cheese to sprinkle on top.

5. Add salt and pepper according to taste. Consider that cheese  can already be salty. 

6. Place egg mixture in wanton cups.

7. Sprinkle cheese on top 

8. Bake at 300° for 15 mins. 

Enjoy! Happy Monday morning.

Welcome… 

I have always wanted to start a blog ages ago. It took years before it gets executed. Im so glad its happening now! Welcome…

I am a mum of two, Tomas (4) and Diego (2). Well he’s turning 3 in 3 weeks. (I will be sharing here the birthday preparations here.)

Just a bit of an overview about myself. I used to work in a corporate world for over 12 years when my husband and I opted for me to leave the rat race to become a stay-at-home-mum (SAHM). It was a dream come true. I have always wanted to become a domesticated goddess, char!

I love waking up in the morning preparing breakfast for the family, prepare my hubs clothes and things for work, clean the house, wash dishes, wash clothes, take care of the boys and the whole shebang… I was tired, but I’m excited to do it all over again the next day… Then I saw everything in between. Screaming kids in between chores, tipping over the box of toys after you tidy up just less than 2 minutes ago. Refereeing between 2 kids throwing toys at each other, while I have something cooking on the stove for lunch. It was my expectations vs reality moment. It wasn’t all shabby chic with apron and all made up mum. IT WAS TIRING! I would like to share with you my day by day whirlwind. Let me bring you to the ride of my life.

What to expect in this blog:

– motherhood/parenting

– baking and cooking

– diy

-hacks

-maybe a little bit of my frustrations, we will make it light, helpful and make you feel that your not alone. We all have our struggles. SAHM, is the hardest job it the world. We are undervalued and overworked.  Will make something positive out of it.

Share your thoughts., comment on it and lets give ourselves a big loud clap and maybe a pat at the back.

Let me know you dropped by. Leave comment. Thanks